Hindi lang pagdiriwang ng musika kundi pagkilala sa husay, malasakit, at impluwensiya ng mga haligi ng OPM ang naging tampok sa ika-11 taon ng Wish Music Awards, kung saan ginawaran ng parangal ang bagong hanay ng KDR Icons.
Kasabay nito, ipinakilala ang bagong KDR Icon Award, pagkilalang ibinibigay sa artist na may kahanga-hangang career milestones at patuloy na gumuguhit ng kasaysayan sa Filipino music scene.





















