Nagsagawa ng inspeksyon si Philippine National Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga matataong lugar upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Inikot ng PNP chief ang ilang palengke, pasyalan, at mga lugar-sambahan bilang bahagi ng pinaigting na seguridad, lalo na sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa long holiday.






















