Titiyakin ng Office of the Ombudsman na mayroong proteksyon na matatanggap si Zaldy Co mula sa kanila kung natatakot itong umuwi ng bansa.
Ayon kay Ombudsman Crispin Remulla, kasama sa mga maaaring security na kaya nilang ibigay ay ang pagsundo sa kanya ng mga mapagkakatiwalang indibidwal, mag-arkila ng mga sasakyan na kanyang gagamitin, maging ang pagsusuot ng body cameras ng mga susundo sa kanya para masigurong hindi ito mapapahamak.






















