Matapos ang booking process at return of warrant sa Sandiganbayan, idinetine na sa New Quezon City Jail si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa kasong plunder.
Samantala, pinabulaanan naman ng Ombudsman ang naging pahayag ng mambabatas na pamumulitika umano ang nasa likod kung bakit ito kinasuhan.






















