Naglabas ng video message si dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez kasunod ng mga isyung lumabas ngayong araw laban sa kanya.
Itinanggi ng dating Speaker na nagtatago siya o umiiwas sa mga alegasyon ng katiwalian kaugnay ng flood control projects kung saan siya isinasangkot.






















