Humarap sa pagdinig ng House Justice Committee sina Ombudsman Crispin Remulla at dating Senador Antonio Trillanes kaugnay ng mga reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Tinalakay sa pagdinig ang alegasyon na mayroon umanong hindi maipaliwanag na yaman ang pangalawang pangulo, at hindi nito naideklara ang lahat ng ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).






















