Hinamon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang Malacañang na i-waive ang parliamentary courtesy at hayaan ang ganap na congressional scrutiny sa proposed Presidential budget.
Ngayong araw, inaasahang haharap ang Malacañang sa House Committee on Appropriations para sa deliberasyon ng panukalang pondo ng Office of the President para sa susunod na taon.