Sinabi ni US President Donald Trump na hindi gagamit ng nuclear weapons laban sa Iran, sa kabila ng tumitinding tensyon at umiiral na ceasefire.
Ayon kay Trump, nahaharap ang Iran sa posibleng oversupply ng langis matapos pigilan ng U.S. ang paglabas ng mga shipment nito. Dagdag pa niya, kung hindi makikipag-usap ang Iran, maaaring gumamit ng puwersa ang Amerika, ngunit hindi kabilang ang armas nukleyar.






















