Maglulunsad ang Philippine Association of the Record Industry (PARI) ng mas inklusibong direksyon para sa industriya ng musikang Pilipino, kung saan papayagan nang sumali sa Awit Awards ang non-member artists.
Kasabay nito, inilatag ng PARI ang mga reporma at inisyatibo upang palakasin ang partisipasyon ng mga artista, paigtingin ang kooperasyon sa industriya, at palawakin ang abot ng OPM sa local at international scene.






















