Maaari pa ring magamit ang nilalaman ng affidavit ni Orly Guteza lalo na't pinanumpaan n'ya ito sa naging pagdinig sa Senado ayon sa Department of Justice.
Sa tanong kung maaari bang managot din si Sen. Rodante Marcoleta sa pagiging peke ng sinumpaang salaysay ni Guteza, nilinaw naman ng DOJ na si Guteza lang ang sangkot dito.






















