Mas pinaigting ng National Housing Authority (NHA) ang kanilang paghahanda bilang returning team sa Season 3 ng UNTV Volleyball League.
Determinado ang NHA Home Masters na ipamalas ang kanilang mas pinatibay na depensa at pinaunlad na opensa sa hard court, bunga ng puspusan at disiplinadong ensayo bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng liga sa Pebrero 22.






















