Isang bagong Merit-based Scholarship program ang inilunsad ng Marcos government bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa nakaraang State of the Nation Address (SONA).
Layunin nitong magbigay ng college scholarships sa nangungunang estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan at suportahan ang mahahalagang sektor at industriya ng bansa.






















