Ipinatatawag ng National Bureau of Investigation sa susunod na linggo ang 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps, kasama si Atty. Levi Baligod at dating kongresista na si Mike Defensor.
Bukod dito, tinitingnan din ng NBI na isama sa mga ipatatawag ang notary public na nag-notaryo ng kanilang sinumpaang salaysay.






















