Magsisimula na ngayong Miyerkules, April 15, ang tatlong araw na tigil-pasada na isasagawa ng ilang transport groups sa pangunguna ng Manibela at Piston.
Ito ay upang igiit ang panawagang suspensyon ng fuel excise tax at value-added tax na ipinapataw sa mga produktong petrolyo, gayundin ang pagkondena sa anila’y kakulangan ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para tugunan ang energy crisis.






















