Magsasagawa na ng motu proprio investigation ang National Police Commission o Napolcom kaugnay sa sinasabing mga pulis na tila nagnakaw sa bahay ng umano'y drugs suspect sa Tondo, Manila noong June 20, 2025.
Ang naturang mga pulis kasi ang itinuturo ding sangkot sa pag-aresto sa magkaibigang delivery rider na nagku-kwentuhan sa isang lugar sa Sampaloc, Manila noong September 9, 2025.