Tumaas ng 9% ang naitalang insidente ng sunog ngayong taon kumpara noong 2025, ayon sa Bureau of Fire Protection, kahit hindi pa opisyal na nagsisimula ang tag-init.
Dahil dito, pinaigting na ng ahensya ang kampanya kontra sunog kasabay ng pagpasok ng Fire Prevention Month upang maiwasan ang mas marami pang insidente sa mga susunod na linggo.






















