Ipatutupad na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang no contact apprehension policy o NCAP laban sa mga iligal na nagtatapon ng basura sa Kalakhang Maynila.
Ayon sa MMDA, hakbang ito sa gitna ng lumalalang problema sa basura at pagbaha sa Metro Manila na iniuugnay sa kawalan ng disiplina sa ilang komunidad.






















