Nasabat ng mga tauhan ng Task Force Limbas ng Philippine National Police - Highway Patrol Group ang anim na van na ilegal na bumibiyahe mula Pasay City patungong mga karatig-probinsya.
Ayon kay HPG spokesperson Police Lieutenant Nadame Malang, agad na inimpound ang mga sasakyan matapos mapatunayan na walang prangkisa ang mga ito.






















