Nanawagan ng tulong sa national government ang mga lokal na opisyal ng Glan, Sarangani matapos ang matinding pinsalang iniwan ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig noong Lunes.
Ayon sa LGU, kinakapos na sa pagkain, inuming tubig at pangangailangan ng mga sanggol ang ilang residente na hindi pa naaabot ng tulong dahil sa mga nasirang tulay at kalsada.






















