Naglabas ng abiso ngayon ang Philippine Embassy sa Israel kung saan pinapayuhan ang mga Pilipino doon na laging sumubaybay sa mga balita at abiso ng Israel Defense Forces Home Front Command para sa anumang pagbabago sa safety guidelines.
Ito’y sa gitna pa rin ng banta ng kaguluhan doon, kaya’t pinapayuhan ang ating mga kababayan na maging maingat at alerto sa mga susunod na araw.






















