Nakapila ang mga reklamong hinahanda ngayon ng Office of the Ombudsman para isampa sa paglilitis.
Ayon sa ahensya, asahan na ang tuloy-tuloy na pagkakaso sa mga sangkot sa malawakang flood control scandal, habang patuloy na nadadagdagan ang mga personalidad na umano’y sangkot din sa isyu.






















