Lalo pang nadagdagan ang mga bumibyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX habang papalapit ang holiday rush.
Samantala, dahil sa kumakapal na bilang ng pasahero, may piling biyahe ng bus sa itinakdang oras ang fully booked na tulad ng ilang biyahe patungong Bicol region tulad ng sa Naga, Camarines Sur.






















