Nanawagan ang Malacañang sa mga halal na opisyal na hindi sumusuporta sa posisyon ng pamahalaan sa usapin ng West Philippine Sea na ilahad ang kanilang paninindigan.
Ayon sa Palasyo, wala itong nakikitang mali sa pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dapat ikonsidera ng mga naturang opisyal ang pagbibitiw sa puwesto kung hindi nila kayang suportahan ang opisyal na posisyon ng pamahalaan sa isyu ng West Philippine Sea.





















