Naglatag ng ilang mga hakbang si Vice President Sara Duterte upang maibsan ang inaasahang mabigat na epekto sa mga Pilipino ng nakaambang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng kaguluhan sa Middle East.
Sa isang video message na inilabas ng Bise Presidente noong Sabado, nanawagan ito sa mga ahensya ng pamahalaan na kumilos na para aksyunan ang bigat ng epekto nito sa mga consumer.






















