Pinalilinaw ng prosecution sa International Criminal Court ang papel ng anim na abogadong Pilipino sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Katwiran ng prosecution, puwede kasing makakuha ng confidential na mga records ng kaso ang anim kaya't dapat maging malinaw kung kasama sila sa defense team ng dating Pangulo.






















