Magdamag na inatake ng Russia ang Kyiv, Ukraine, kasunod ng intelligence report na nag-udyok kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na putulin ang kanyang state visit sa Ireland at agad na umuwi.
Dahil sa sunod-sunod na missile attacks, muling nanawagan ang Ukraine ng karagdagang air defense upang mapalakas ang depensa laban sa mga pag-atake ng Russia.






















