Mas paiigtingin pa ng Philippine National Police ang mga hakbang na kanilang ginagawa laban sa muling pag-usbong ng mga ilegal na online cockfighting o e-sabong sa bansa.
Nauna nang ipinagbawal ang operasyon ng e-sabong sa bansa, subalit patuloy pa rin itong binabantayan ng PNP dahil sa mga palihim na operasyon online.






















