Nahaharap sa mga kasong kriminal ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Executive Director ng Anti-Money Laundering Council, at ilang mambabatas na miyembro ng House Committee on Justice.
Kaugnay ito ng pagsasapubliko ng bank records nina Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio sa nagdaang pagdinig ng Kamara.






















