Isang kriminal na umiiwas sa hustisya si dating congressman Zaldy Co ayon kay Presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.
Kasunod ito ng panibagong alegasyon ni Co na bukod kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpasingit umano ng P100 billion pesos na halaga ng proyekto sa 2025 national budget ay may mga insertion din umano si Rep. Sandro na nagkakahalaga ng nasa P50.9 billion pesos mula 2023 hanggang 2025.






















