Pananagutin ng lokal na pamahalaan ang may-ari ng gumuhong istrukturang under construction sa Angeles City dahil sa paglabag sa building permit.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nadagdagan umano ng isang palapag ang naturang gusali kumpara sa orihinal nitong plano.






















