Naniniwala ang isang dating mambabatas at ilang women’s rights advocates na mas mabigat na parusa ang dapat ipataw kay Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay kasunod ng kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa isang aktres sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Kabilang sa mga hinihiling na parusa para sa mambabatas ay ang suspensyon, multa, at community service.






















