Nakatakdang simulan sa susunod na linggo ang 9 na buwang flood mitigation program sa Metro Manila bilang tugon sa matinding problema ng pagbaha.
Katuwang ng MMDA at Metro Manila Council ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad nito, habang tututukan ng DPWH ang pagkukumpuni ng mga sirang pumping stations at pamamahagi ng mobile pumps sa mga lokal na pamahalaan sa NCR para mapabilis ang paghupa ng tubig-baha.






















