Kinukumpirma pa ng Trump administration ang mga ulat na itinigil na ng pamahalaan ng Iran ang execution sa mga nagpoprotesta laban sa rehimen ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.
Gayunman, tiniyak nito na nananatiling nakabantay ang Estados Unidos sa nangyayari sa Iran at hindi nawawala ang posibilidad ng paggamit ng aksyong militar ng US kung hindi mahihinto ang kaguluhan sa nasabing bansa.






















