Pinasinungalingan ng Malacañang ang mga bali-balitang sinusuportahan umano ng administrasyon ang posibleng tambalan nina Naga City Mayor Leni Robredo at dating Senador Manny Pacquiao sa 2028 elections.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala siyang nalalamang sinusuyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Mayor Robredo para tumakbo bilang pangulo at si dating Senador Pacquiao bilang kanyang bise presidente sa susunod na halalan.





















