Hiniling ngayong araw ng Makabayan bloc sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na imbestigahan ang mga bagong impormasyong lumabas kaugnay ng umano’y insertions sa 2025 national budget at kickbacks mula rito.
Ayon sa grupo, sa puntong ito ay dawit na rin sa flood control projects scandal mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.






















