Tiniyak ng Office of the Ombudsman na handa silang bigyan ng proteksyon si Zaldy Co kung napipigilan itong makipagtulungan dahil sa takot.
Anila, mahalaga ang kaligtasan ng mga testigo lalo na at kailangan ito upang tuluyang malaman ang katotohanan sa gitna ng mga imbestigasyon.






















