Paiigtingin ng Philippine National Police ang pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry at Department of Energy upang bantayan ang posibleng hoarding at overpricing ng produktong petrolyo at basic commodities.
Kasunod ito ng deklarasyon ng state of national energy emergency ng pamahalaan upang maiwasan ang pananamantala sa presyo ng mga pangunahing bilihin.






















