Kailangang personal na dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa trial ng kanyang kasong crimes against humanity, base sa Article 63 ng Rome Statute.
Ayon sa briefer na inilabas ng International Criminal Court (ICC), nakasaad sa Rome Statute na lumikha sa korte na kailangan ang presensya ni Duterte sa trial.






















