Umabot na sa 61 transmission lines sa Luzon at Visayas ang naapektuhan dahil sa malakas na hangin na dala ng Bagyong Uwan.
Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines, kabilang sa mga naapektuhan sa Luzon ang mga linya ng kuryente sa Quezon, Bicol, Batangas, Pangasinan, Cagayan Valley, at Cordillera.























