Mahigit 20 ang nawawala, habang 62 naman ang naiulat na nailikas matapos ang flash flood sa Grand Canyon, Arizona.
Ayon sa National Park Service, isang malakas na flash flood ang tumama sa Bright Angel Canyon at Phantom Ranch alas-2:30 ng hapon noong Sabado sa Arizona, o alas-5:30 ng umaga ng Linggo sa Pilipinas.






















