Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Sarangani bandang alas-7:37 ng umaga, na naramdaman din sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
Bunsod nito, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga apektadong lugar bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.























