Nangangamba si Senate Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian na ma-reenact ang budget kung mananatili ang parehong schedule sa pagpapasa ng panukalang pambansang pondo.
Ito ay matapos amining naantala ang ratipikasyon ng bicameral report para sa 2026 General Appropriations Bill, na karaniwang nararatipika sa ikalawang linggo ng Disyembre, ngunit ngayon ay December 29 lamang naisagawa.





















