Nagpalabas na ng travel advisory ang Land Transportation Office para sa mga kababayan natin na bibiyahe patungo ng Bicol at ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao na maapektuhan ng bagyong Opong.
Layon ng travel advisory na bigyang babala ang mga motoristang bibiyahe sa mga lugar na daraanan ng bagyo, at upang maiwasan na ma-stranded ang mga ito sa daan.