Napanatili ng Bagyong Jangmi ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ayon sa PAGASA, posibleng ngayong gabi o bukas ng umaga ay nasa loob na ng teritoryo ng bansa ang bagyo na tatawaging Bagyong Domeng.
Pinaghahanda naman ang Extreme Northern Luzon dahil sa posibleng epekto ng bagyo sa mga susunod na araw.























