Naglabas na ng bagong fare matrix ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa mga provincial bus matapos aprubahan ang provisional na pagtaas ng pamasahe.
Layunin ng ahensya na maipatupad ang pare-parehong pamasahe sa mga provincial bus route habang binabalanse ang kapakanan ng mga pasahero at ng mga operator ng transportasyon.






















