Papatawan ng parusa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga TNVS drivers na basta-bastang nagkakansela ng booking.
Sa inilabas na memorandum ng ahensya, itinuturing na paglabag sa ilalim ng refusal to convey passenger ang driver-initiated cancellations at may multa itong ₱5,000 sa unang offense, ₱10,000 at 30-araw na impound sa pangalawa, at ₱15,000 at kanselasyon ng prangkisa sa ikatlo.






















