Libo-libong tao ang nagtipon sa mga lansangan ng Nuuk, ang kabisera ng Greenland, upang tutulan ang umano’y hangarin ni US Pres. Trump na sakupin ang kanilang bansa na nasa ilalim ng pamumuno ng Denmark.
Ayon sa mga opisyal ng bansa, ito ang pinakamalaking kilos-protesta na naitala sa kasaysayan ng Greenland.






















