Inaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang isang lalaki sa aktong pagbebenta ng hindi rehistradong food supplement sa Cagayan.
Ayon sa PNP-ACG, delikado sa kalusugan ang paggamit ng mga produktong hindi dumaan sa pagsusuri ng Food and Drug Administration, kaya pinayuhan ang publiko na maging mapanuri sa binibiling gamot.






















