Pormal nang nagsampa ng reklamo si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste laban sa district engineer na nagtangka umanong manuhol sa kanya.
Ibinunyag rin ng kongresista ang iba pang anomalyang nangyayari sa kanilang distrito.
Kasunod nito, hinihikayat ng neophyte solon ang nasabing district engineer at maging ang mga contractor na tumestigo laban sa mga nasa likod ng nangyayaring korapsyon sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways.