Iginiit ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña na kung seryoso talaga ang Marcos admin na makuha ang tiwala ng publiko sa sinasabi nitong paglaban sa katiwalian, kailangang mag-umpisa ito sa sarili nitong bakuran.
Kontra aniya sa hinihinging transparency at accountability ng mga mamamayan ang desisyon ng Marcos administration na magdagdag ng barrier sa accessibility ng SALN.






















